Monday, January 2, 2012

Mga PANGIT-tain

Babala: Ang mga sumusunod ay pawang bunga lamang ng imahinasyon ng may-akda dahil sa mga nagkalat na pulbura sa daan at biglang sumabog at nagbunga ng napakatinding usok na nakaapekto sa kalalabasan ng mga pangitaing ito. Sabog na sabog! Narito na ang mga pangitain ni roughee para sa taong 2012.


1. Dadami ang tutungo sa lost and found section upang maghanap, hindi ng mga gamit kundi ng mga nawawalang daliri sanhi ng walang pakundangang pagpapaputok.

2. Dadami ang mga magsasabing magugunaw na ang mundo sa taong ito ngunit ako'y mariing tututol sapagkat ako'y magtatapos pa sa kolehiyo('wag naman kayong nega...please...)

3. Papatok ang negosyong tubig ngunit ito ay lilipas lamang ng ilang minuto.

4. Mamalasin ang mga taong walang pakialam sa paligid lalong lalo na ang mga taong hindi susumusubaybay sa blog na ito.

5. Kokonti ang mga buwaya sa Pilipinas ngunit dadami ang mga dragon.

6.Dadami pa ang mga koreans sa Pilipinas dahilan upang dumami rin ang pinoy sa Korea.

7. Magiging maganda ang taong ito para sa mga bloggers na kagaya ko...uulan ng swerte ngunit babaha ng marami pang swerte..(anu daw?)

8. Susubaybayan mo pa ang mga susunod kong posts dito dahil kapag hindi, ikaw mamalasin.

2 comments: